Pagpapabuti ng konsistensiya ng orientasyon ng makro-polisya, ipinagdiinan ng premyer Tsino

2024-10-09 12:44:05  CMG
Share with:

Sa kanyang pahayag sa sesyon ng pag-aaral ng Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina, Oktubre 8, 2024, ipinaliwanag ni Premyer Li Qiang ng bansa ang kahalagahan ng pagpapabuti ng katatagan o konsistensiya ng orientasyon ng makro-polisiya ng bansa para mabuo ang sinerhiya sa pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad. 

Sa kasalukuyan, dahil mas komplikado aniya ang pangangasiwang makro-ekonomiko, kailangang i-optimisa ang kombinasyon ng mga mapagkukunan ng patakaran o policy resources at mga kagamitan, sa pamamagitan ng sistematikong kaisipan, pamamaraan at hakbangin. 


Layon nitong mapabuti ang pagkakabisa ng mga patakaran, dagdag pa niya. 


Diin ni Li, nararapat itakda ang mga target ng mga patakaran, makaraang isaalang-alang ang panlahatang pangangailangang pangkabuhaya’t panlipunan ng bansa. 


Kasabay nito, kailangan din aniyang sumunod ang pagpapatupad at pagtasa sa mga patakaran sa kahilingan ng pagpapanatili ng katatagan ng orientasyon ng makro-polisiya.


Dagdag ng premyer, ang mga di-ekonomikong polisiya ay kailangang ilakip sa pagtasa sa katatagan ng mga patakarang makroekonomiko. 


Samantala, ang epekto ng mga bagong patakaran ay dapat tasahin batay sa mga aspetong kinabibilangan ng pag-unlad ng kabuhayan, pagpapatatag ng mga inaasahan, hanap-buhay at pamumuhay ng mga mamamayan, saad niya.


Patnugot/Salin: Jade

Larawan: Xinhua

Pulido: Rhio