Sa ilalim ng temang “Paglilingkod sa De-kalidad na Pag-unlad, Pagpapasulong sa Mataas na Antas na Pagbubukas,” binuksan Oktubre 15, 2024, sa lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong, dakong Timog ng Tsina ang Ika-136 China Import and Export Fair, o kilala rin bilang Canton Fair.
Itinatanghal dito ng mahigit 30,000 bahay-kalakal ang nasa 1.15 milyong bagong produkto.
Samantala, nag-pre-register sa perya ang 147,000 mamimili mula sa ibayong dagat.
Tuluy-tuloy ring ini-ooptimisa ang online na plataporma, at sa kauna-unahang pagkakataon, inilunsad ang isang virtual digital host at Canton Fair app.
Dahil dito, naging mas malawak ang online exhibition.
Ini-upload ng halos 48,000 bahay-kalakal ang halos 3.75 milyong produkto, at ito ay lumaki ng 60% at 50% kumpara sa nagdaang perya, ayon sa pagkakasunod.
Salin: Vera
Pulido: Rhio