Isiniwalat, Oktuber 16, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na handang makipagtulungan sa lahat ng panig ang kanyang bansa upang makamtan ang komprehensibong pagbabawal at lubusang pagsira sa mga sandatang nuklear, tungo sa pagsasakatuparan ng isang mundo na ligtas sa sandatang nuklear.
Ipinunto ni Mao, na noong Oktubre 16, 1964, mataimtim na idineklara ng pamahalaang Tsino, na hindi ito ang ma-uunang gagamit ng sandatang nuklear sa anumang pagkakataon o sa anumang pangyayari.
Batay aniya sa kasaysayan at katotohanan, ang patakaran ng hindi unang paggamit ng sandatang nuklear ay nakakatulong sa estratehikong pagtitiwalaan, pagpapasulong sa proseso ng pag-aalis ng armas nuklear, epektibong pagbabawas ng mga estratehikong panganib, at pagtataguyod ng pandaigdigang estratehikong balanse’t katatagan.
Ngayong taon, isinumite ng Tsina ang dokumento hinggil sa mutuwal na hindi unang paggamit ng armas nuklear sa Ikalawang Sesyon ng Preparatoryong Komite para sa Ika-11 Review Conference ng Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT), dagdag niya.
Salin: Zheng Yujia
Pulido: Rhio