Pangulong Tsino at Punong Ministro ng Hapon, nagtagpo

2024-11-16 20:36:09  CMG
Share with:

Nagtagpo, Nobyembre 15 (local time), 2024 sa sidelines ng Ika-31 APEC Economic Leaders' Meeting, sa Lima ng Peru sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Ishiba Shigeru ng Hapon.

 

Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, nasa masusing panahon ang dalawang bansa para pabutihin ang bilateral na realsyon.

 

Ani Xi na kasama ng Hapon, nakahanda ang Tsina na sundin ang prinsipyo at direksyon na itinakda ng 4 na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa at igiit ang mahalagang komong palagay, na ang Tsina at Hapon ay kooperatibong magkapartner, at hindi banta sa isa’t-isa.

 

Umaasa si Xi, na isasakatuparan ng Hapon ang mga mahalagang komong palagay ng dalawang panig, maayos na hahawakan ang mga mahalagang isyung gaya ng isyu ng Taiwan’t isyu ng kasaysayan, at hahawakan’t kokontrolin ang mga hidwaan.

 

Ipinahayag naman ni Shigeru na kaugnay ng isyu ng Taiwan, hindi nagbabago ang paninindigang Hapones na itinakda ng magkasanib ng payahag ng dalawang bansa noong 1972.


Sinabi pa niyang iginigiit ng Hapon ang prinsipyo at direksyon na itinakda ng 4 na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa at kasama ng Tsina, nakahanda ang kanyang bansa na isagawa ang matapat na diyalogo sa iba’t-ibang antas at mabuting kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng APEC.

 

Saad pa niyang walang balak ang Hapon na isagawa ang decoupling sa panig Tsino.

 

Sumang-ayon din silang panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, at maayos na gamitin ang mga mekanismo ng diyalogo sa mataas na antas sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kultura.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio