CMG Komentaryo: Kinabukasan ng relasyon ng Tsina at Brazil, magiging mas maganda

2024-11-21 22:39:33  CMG
Share with:

Sa katatapos na dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Brasil, nagkasundo ang dalawang bansa na pataasin ang pagpoposisyon ng bilateral na relasyon sa “magkasamang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan,” upang itatag ang mas patas at sustenableng mundo, at kasabay nito, para ikonekta ang magkasanib na konstruksyon ng inisyatiba ng “Belt and Road” sa estratehiyang pangkaunlaran ng Brasil.

 

Sa tingin ng mga tagapag-analisa, ang pagpapataas ng bilateral na relasyon na ito ay maituturing na bagong milyahe ng relasyong Sino-Brasilyano.

 

Kaugnay nito, iniharap ni Xi ang apat na mungkahi sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, na sumasaklaw sa pagpapalalim ng estratehikong pagtitiwalaan sa isa’t isa, paghahanay ng mga estratehiya sa pag-unlad, pagpapanatili ng pandaigdigang kapayapaan at katarungan, at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.


Sa nakalipas na mga taon, sustenableng pinasulong ng dalawang bansa ang pag-uugnayan ng estratehiya ng pag-unlad at isinagawa ang mga kooperasyon sa berdeng kuryente, bagong teknolohiya sa agrikultura at mga bagong sibol na larangan, na nagdulot ng aktuwal na kapakanan para sa kabuhayan at pagkakataon ng pamumuhunan sa lokalidad.

 

Sa kanyang katatapos na dalaw-pang-estado, narating ng dalawang pinuno ang malalimang pagpapalitan hinggil sa pagpapasulong ng praktikal na kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Brazil.

 

Ang relasyong Sino-Brasilyano ay matagal nang lumampas sa bilateral na saklaw nito at nagkaroon din ito ng mahalagang papel para sa pagpapabuti ng pangangasiwang pandaigdig.

 

Halimbawa, magkasamang ipinatalastas ng dalawang bansa ang “Six-Point Consensus” hinggil sa solusyong pampulitika sa krisis ng Ukraine hanggang sa magkasamang ipinanawagan ang agarang tigil-putukan ng Palestina at Israel para ipatupad ang “two state solution.”

 

Sa katatapos na pagdalaw ni Xi sa Brasil, kapwa ipinahayag ng dalawang bansa na ipagpapatuloy nila ang mahigpit na kooperasyon sa ilalim ng mga multilateral na balangkas na gaya ng United Nations, Group 20 at BRICS, para magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon na gaya ng gutom, kahirapan, sagupaang panrehiyon, pagbabago ng klima at cyber security.

 

Ipinagdiriwang ng Tsina at Brasil ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa na naghatid din ng mahalagang pagkakataon para maingat ang ugnayang bilateral sa isang bagong antas.

 

Sa pamamagitan ng katatapos na dalaw-pang-estado ni Xi sa Brasil, makikitang ang kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa sa susunod na 50 taon ay siguradong magiging mas maganda.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Lito