Idinaos noong Abril 23, 2016 sa Science and Art Center ng Xiamen University ang 2016 Nanyang Forum. Ang aktibidad na ito ay itinuturing na isa sa mga highlight events ng Ika 5 Nanyang Culture Festival, at angtema ng porumngayongtaon ay "New Maritime Silk Road Construction and ASEAN Integration. Ang 2016 Nanyang Forum ay isang high-profile platform na dinadaluhan ng mga mataas na opisyal ng pamahalaan at mga iginagalang na mga akademiko at dalubhasa sa edukasyon.
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pananaliksik, paglalahad ng mga karanasan at pagsali sa bukas na talakayan, Hangad ng porum na isulong ang relasyon ng Tsina at mga bansang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) . Layunin din ng porum na matatamo ang malalimang pagtutulungan at magkasamang pag-unlad sa rehiyon sa hinaharap. Inaasahan ding sa tulong ng porum mailalatag ang landas para sa magandang kinabukasan ng dalawang panig.
Si Yang Xiuping, Secretary General ASEAN China Center (ACC)
Sa programang Mga Pinoy sa Tsina,pakinggan ang keynote speech ni Yang Xiuping Secretary General ASEAN China Center hinggil sa mga natamong bunga sa iba't ibang aspekto ng relasyon ng dalawang panig. Mapapakinggan din ang presentation hinggil sa maritime characteristics and challenges ng Pilipinas na handog ni Dr. Aileen Baviera, Founding President of Asia Pacific Pathways to Progress Foundation at Professor sa Asian Center ng University of the Philippines Diliman.
Si Dr. Aileen Baviera, Founding President of Asia Pacific Pathways to Progress Foundation at Professor sa Asian Center ng University of the Philippines Diliman.
Siguruhin pong ang updated ang inyong mga plug-ins para lubos na mapakinggan ang programa. Salamat po.