Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mag-aaral ng PKU Philippine Studies, matatas nang magsalita ng Filipino

(GMT+08:00) 2016-06-08 14:09:07       CRI

Nasa sophomore year na ang kasalukuyang batch ng mga mag-aaral ng Philippine Studies sa Peking University. Kamakailan ipinagdiwang ng pamantasan ang Ika 70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Oriental Studies kung saan kabilang ang Philippine Studies. Bahagi ng programa ang pagbigkas ng mga tula ng ilang mga mag-aaral ng School of Foreign Languages.

Kabilang si Yin Ziyou, sophomore student ng Philippine Studies sa mga nagbasa at binasa niya ang tulang Ang Ulan sa wikang Filipino. Sa panayam ni Mac Ramos, sinabi ni Yin Ziyou ang ulan ay simbolo ng pamantasan, guro at mga magulang na nagbibigay ng suporta sa mga mag-aaral na tulad niya upang maging matagumpay sa hinaharap.

Mapapakinggan ang nasabing tula sa programang Mga Pinoy sa Tsina,

Abala ang mga mag-aaral ng PKU ngayon dahil finals na. Ang CRI Serbisyo Filipino ay inanyayahan ni Prof. Ariel Diccion, visiting professor mula sa Ateneo de Manila para makinig at magbigay ng puna sa mga estudyante. Sila ay nag-ulat hinggil sa mga pestibal ng Tsina at Pilipinas.

Ibinahagi ni Peter, isa sa mga estudyante, na mahirap ang balarila ng Filipino. Isang matinding pagsubok ang pagsusuri sa pagkakatulad ng mga relihiyon. Tampok sa programa ang maikling bahagi ng ulat ni Peter hinggil sa Vesak ng Budista at Sinulog ng mga Katoliko. Ikinuwento rin niya sa programa ang kanyang plano hinggil sa nalalapit niyang pagpunta sa Pilipinas para mag-aral doon.

Sinilip naman ng grupo nina Yoyo ang pagkakatulad ng XiQi ng Tsina at Velentine's Day ng Pilipinas. Maraming elemento ang kanilang ulat, may skit, news report, game at visual presentation. Ang paggamit ng maraming elemento para ilahad ang ulat ay patunay sa mataas na lebel ng kanilang kaalaman sa wika at maging ang kakayahan na gawing kasiya-siya at hitik sa kaalaman ang ulat gamit ang wikang Filipino.

Pakinggan ang nakakabilib na mga kabataang Tsino na matatas nang magsalita ng wikang Filipino sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Si Yin Ziyou

Si Peter, kanan sa litrato.

Si Yin Ziyou na nagbabasa ng tulang Ang Ulan sa wikang Filipino

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>