Magkasanib na ipinalabas kahapon ng Sentro ng Pananaliksik sa Greater Mekong Subregion ng Yunnan University ng Tsina at Social Sciences Academic Press ng Tsina ang bluepaper ng Greater Mekong Subregion (GMS) sa taong 2013. Tinukoy ng bluepaper na ang kooperasyong pangkabuhayan ng GMS ay nagsilbing isang matagumpay na modelo ng kooperasyong pangkabuhayan ng Asya at South-South cooperation.
Tinukoy ng bluepaper na nitong nakalipas na 20 taon, walang humpay na lumakas at lumawak ang kooperasyon ng GMS, at nagpatingkad ito ng napakahalagang papel sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng mga kasaping bansa, nagpapataas ng pangkalahatang kakayahang kompetetibo ng rehiyong ito, at nagpapasulong ng proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon ng Asya.
Isinalaysay ni Liu Zhi, Chief Editor ng naturang bluepaper, na sa kalagayang nahaharap ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig sa iba't ibang kahirapan, salamat sa bagong patakaran ng pagbubukas sa labas ng Tsina, mabilis na umunlad ang kabuhayan ng limang bansa sa rehiyon ng GMS na kinabibilangan ng Biyetnam, Laos, Myanmar, Thailand, at Kambodya, at isinakatuparan nila ang 5% pataas na paglaki.
Ayon sa bluepaper, pagpasok ng taong 2012, napakasigla ng mga diplomatikong aktibidad ng mga bansa sa labas ng GMS. Pinag-ibayo ng mga malalaking bansa na gaya ng Estados Unidos, Hapon, at India ang pakikisangkot sa mga suliranin ng GMS. Pagkaraang muling manungkulan si Barack Obama bilang Pangulong Amerikano, lumahok siya sa Summit ng Silangang Asya, at dumalaw sa Kambodya, Thailand at Myanmar. Ibig sabihin, ang rehiyon ng Mekong River ay pinagsubukan ng patakaran ng "rebalance" ng Amerika. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Ma Xiaojun, Propesor ng Instituto ng Pananaliksik sa Estratehiyang Pandaigdig ng Party School ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na dapat lubos na koordinahin ng Tsina ang relasyon sa pagitan ng mga malalaking bansa, para magpatingkad ng positibong papel sa pag-unlad ng GMS, at bumuo ng win-win situation.