Kaugnay ng hidwaan ng naghaharing partidong People's Party at partidong oposisyong National Rescue Party sa resulta ng halalang parliamentaryo, nanawagan kahapon sa dalawang partido si Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya na mapayapang lutasin ang isyung ito sa ilalim ng balangkas ng Konstitusyon, para mapangalagaan ang katatagan at kaunlaran ng bansa.
Ayon sa inisyal na resulta ng halalang parliamentaryo ng Kambodya, nakakuha ang People's Party ng 68 sa 123 luklukan. Hindi tinatanggap ng National Rescue Party ang resultang ito. Hinihiling nitong magsagawa ng nagsasariling pagsisiyasat sa pagdaraya sa halalan, at kung hindi, itataguyod ng partidong ito ang mga demonstrasyon sa buong bansa.
Salin: Liu Kai