Sa Nanjing, Guangxi ng Tsina—Idinaos dito kaninang umaga ang news briefing ng ika-10 China ASEAN Expo (CAExpo) at China ASEAN Business and Investment Summit (CABIS). Isinalaysay sa news briefing ang mga impormasyong may kinalaman sa exhibition booths, pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at panuntunan sa pagkokober.
Sinabi ni Yao Jian, Opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na may 4600 booths sa kasalukuyang CAExpo. Kabilang dito, ang 1331 booths na nabibilang sa 10 bansang ASEAN at mga bansa sa labas ng rehiyon. Ito ay katumbas ng 42% ng kabuuang bilang ng mga booths. May sariling pabilyon ang 6 sa 10 bansang ASEAN.
Ayon naman kay Chian Siong Lee, Community Affairs Development Directorate ng Sekretaryat ng ASEAN, ang mapagkaibigang relasyon ng Tsina at ASEAN ay lumikha ng mainam na kapaligiran para sa pag-unlad ng kabuhayan ng iba't ibang bansa. Aniya, ang kapayapaan at katatagan ay paunang kondisyon ng masaganang pamumuhay ng mga mamamayan.
Isinalaysay naman ni Wang Lei, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAExpo, na 1705 na mamamahayag mula sa 240 media ang kabilang sa pagkokober ng kasalukuyang CAExpo at CABIS. Bukod dito, isinasaoperasyon ng kasalukuyang ekspo, sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga bagong plataporma ng pagkokober na gaya ng APP at WeChat, para mapabilis ang pagpapakalat ng impormasyon sa ekspo.
Salin: Vera