Idinaos kahapon sa Nanning, Guangxi, ang Espesiyal na Pulong ng mga Ministro ng Transportasyon hinggil sa Konektibidad ng Tsina at ASEAN. Tinalakay ng mga kalahok na ministro ang kooperasyon sa konektibidad ng transportasyon at narating nila ang mga komong palagay. Sa magkasanib na pahayag, nanawagan silang itatayo ang berde, ligtas at mabisang network ng transportasyon, sa pamamagitan ng pagtatatag ng platapormang pinansiyal, paghihimok ng paglahok ng mga bahay-kalakal, pagpapahigpit ng konektibidad sa dagat at himpapawid at iba pa, nang sa gayo'y, mapapasulong ang kasaganaang panrehiyon at sustenableng pag-unlad.
salin:wle