Inulit kahapon ng Tsina na ang paraang pulitikal ay ang bukod-tanging kalutasan sa isyu ng Syria.
Sa isang regular na preskon, sinabi ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na maraming beses na pinagdiinan ng panig Tsino ang pagkatig nito sa nagsasarili, makatarungan, obdyiktibo at propesyonal na pagsusuri ng United Nations (UN) sa isyu ng Syria hinggil sa umano'y paggamit ng sandatang kemikal. Dagdag pa niya, bago ipatalastas ng UN ang resulta ng pagsusuri, hindi dapat magbigay ng konklusyon ang anumang panig.
Ipinahayag din ng Tagapagsalitang Tsino ang buong-higpit na pagsubaybay at pagkabahala sa posibleng unilateral na operasyong miltar laban sa Syria. Binigyang-diin niyang dapat sundin ng komunidad ng daigdig ang UN Charter para maiwasan ang pagpapasalimuot ng isyu ng Syria.
Salin: Jade