Sa probinsyang Pattani, Thailand — Naganap dito kahapon ang isang insidente ng pagsalakay na ikinamatay ng 5 pulis.
Matatandaang madalas na naganap ang ilang marahas na insidente sa katimugan ng Thailand. Upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari, mula noong Marso ng kasalukuyang taon, idinaos sa Malaysia ng pamahalaang Thai at Barisan Revolusi Nasional (BRN) — separatistang organisasyon sa katimugan ng bansa, ang tatlong (3) round ng talastasan. Ngunit maliit ang natamong progreso.
Salin: Li Feng