Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Bashar al-Assad ng Syria na ang lahat ng grupong oposisyon sa loob ng bansa ay teroristikong organisasyon, at hindi makikipag-usap ang pamahalaan sa kanila, hangga't hindi nila isinusuko ang kanilang mga armas.
Inulit ni Bashar na susunod ang pamahalaang Syrian sa resolusyon na pinagtibay kamakailan ng UN Security Council. Aniya, ito rin ang mithiin ng Syria.
Sa kabilang dako, sinabi ni Safwan Akkasheh, mahalagang miyembro ng National Coordination Body for Democratic Change, isa sa mga mahalagang oposisyon sa loob ng Syria, na ang nasabing resolusyon ng UN ay naglalayong bawasan ang sandatang kemikal sa Syria, kaya makakabawas ito sa mga kasuwalti ng bansa. Kaugnay ng pandaigdigang pulong hinggil sa isyu ng Syria na idaraos sa Disyembre sa Geneva, sinabi niyang dapat dumalo rito ang lahat ng paksyong pulitikal ng Syria, at dapat magsikap sila para sa magtagumpay ang pagdaraos nito.
Salin: Andrea