Sinabi kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos na isang taon o higit pa ang kinakailangan ng Iran para magkaroon ng kakayahan sa paglikha ng sandatang nuklear.
Sa isang exclusive interview nang araw ding iyon, ipinahayag ni Obama na ang naturang resulta ay gawa ng intelligience department ng kanyang bansa.
Dagdag pa ng Pangulong Amerikano, dapat suriin ng komunidad ng daigdig ang katapatan ng bagong halal na Pangulong Iranyo na si Hassan Rohani sa paghahanap ng kalutasan ng isyung nuklear ng Iran sa diplomatikong paraan.
Salin: Li Feng