|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), sinabi ni Li na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng Biyetnam, na panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalimin ang aktuwal na kooperasyon at pasulungin ang bilateral na relasyon.
Ipinahayag naman ni Nguyen Phu Trọng na mayroong malawak na komong kapakanan ang Biyetnam at Tsina. Nakahanda aniya siyang panatilihin, kasama ng Tsina ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, sinabi ni Li na dapat maayos na kontrolin ng dalawang panig ang hidwaan sa isyung ito at isakatuparan ang mga narating na nagkakaisang posisyon hinggil dito.
Sinang-ayunan ni Nguyen Phu Trọng ang palagay ni Li. Sinabi niya na nakahanda ang kanyang bansa na maayos na lutasin, kasama ng Tsina, ang hidwaan sa isyu ng South China Sea.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Truong Tan Sang ng Byetnam, ipinahayag ni Li ang pag-asang maisasakatuparan ng dalawang bansa ang mga narating na nagkakaisang posisyon ng kanilang mga pamahalaan para ibayo pang pasulungin ang komprehensibing estratehikong partnership ng dalawang panig.
At sa kanyang pakikipagtagpo kay Nguyen Sinh Hung, Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Byetnam, sinabi ni Li na patuloy na igigiit ng Tsina ang patakarang mapagkaibigan sa Biyetnam. Umaasa aniya siyang kakatigan ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam ang narating na nagkakaisang posisyon ng mga pamahalaan ng dalawang bansa sa mga isyung pandagat, panlupa at pinansyal para pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang panig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |