Idinaos kahapon sa Singapore ang Ika-10 Joint Council for Bilateral Cooperation (JCBC) ng Tsina at Singapore na magkasamang pinanguluhan nina Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina at Pangalawang Punong Ministro Teo Chee Hean ng Singapore. Pagkatapos ng pulong, magkahiwalay na ipinalabas ng People's Bank of China at Monetary Authority of Singapore ang proklamasyong nagsasabing narating ng dalawang bansa ang ilang malalaking bunga hinggil sa pagpapalakas ng kanilang bilateral na kooperasyong pinansiyal. Ang pinakamahalagang bunga sa mga ito anila ay napalawak sa Singapore ng Tsina ang pilot scope ng RMB Qualified Foreign Institutional Investors (RQFII), at ang limitasyon ng pamumuhunan nito ay 50 bilyong Yuan RMB. Kung magiging sapat ang kondisyon, susubukan ding isagawa ng dalawang panig ang pamumuhunan ng RMB Qualified Domestic Institutional Investor (RQDII) sa pamilihan ng Singapore.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Monetary Authority of Singapore na ang naturang hakbangin ay ibayo pang makakapagpalawak ng paggamit ng RMB sa Singapore.
Salin: Li Feng