Magkasamang ipinahayag kahapon sa Bangkok ng mga opisyal ng Tsina at Thailand na gagamitin simula sa susunod na taon ang Beidou Satellite Navigation System na sinaliksik at sariling yari ng Tsina.
Ipinahayag ng panig Thai na ang Beidou system ay gagamitin ng bansang ito bilang pundasyon ng systema ng pagmomonitor sa mga likas na kapahamakan. Bukod dito, gagamitin ito sa mga larangan na gaya ng komunikasyon, koryente at kapaligiran.
Ipinahayag ng panig Tsino na sa taong 2015, ang serbisyo ng Beidou system ay sasaklaw sa buong mundo.
Salin: Ernest