Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Yolanda," nakaapekto sa 13 milyong katao

(GMT+08:00) 2013-11-19 18:59:39       CRI

Pagsusuri ng situwasyon, isinasagawa pa rin

WORLD FOOD PROGRAM, KONTRA SA AIRDROPS. Sinabi ni Bb. Ertharin Cousin, executive director ng WFP na mas mabuting ibigay ang relief goods sa mga biktima sa halip na idaan sa airdrops sapagkat malamang na 'di makatanggap ang mga bata, maysakit, matatanda at may kapansanan. Nasa apat na araw na pagdalaw si Bb. Cousinsa Pilipinas. (Melo Acuna)

NAGSUSURI ang mga tauhan ng World Food Program upang makatugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ni "Yolanda."

Sa isang press briefing, sinabi ni Ertharin Cousin, executive Director ng World Food Program, bagama't napakaganda ng Pilipinas, ang mga kapuluan nito ay isang malaking hamon sa paghahatid ng mga pagkain at iba pang relief goods.

Idinagdag pa ni Bb. Cousin na nagdala na sila ng mga dalubhasa mula sa iba't ibang bansa upang masuri at matugunan ang kalagayan ng mga biktima. Nakadalaw siya sa Tacloban at Roxas Cities sa loob ng apat na araw na pamamalagi sa Pilipinas. Malaki ang pagkakaiba ng Tacloban City sa Roxas City sapagkat ni walang pamilihan sa Tacloban City samantalang bukas ang mga bangko at palengke sa Roxas City. Sa Tacloban City, kailangan nilang pagdala ng pagkain. Hindi na mabigat ang pangangailangan ng mga mamamayan sa Roxas City.

Bagaman, binanggit ni Bb. Cousin na mayroong mas malaking krisis na posibleng maganap kung hindi matutugunan. Ito ay ang pangangailangang makapagtanim ang mga magsasaka ng palay upang umani sa darating na Marso. Kung hindi sila makapagtatanim ay tiyak na mas malala ang magiging krisis sa kanayunan.

Niliwanag din ni Bb. Cousin na ang kanilang palatuntunan ay mula anim na buwan hanggang isang taon. Sila ay magdaragdag lamang ng pagkain sa ibinibigay ng gobyerno. Nag-aambag sila ng bigas na 12 kilo para sa walong araw. Nakabili na sila ng 2,400 metric tons sa halagang US $ 630 bawat tonelada at naipamahagi na sa mga kinauukulan. Sa oras na gumanda na ang kalagayan ng mga biktima ay posibleng maglabas ng supply ng pagkain ang World Food Program na tatagal ng isang buwan.

Tiniyak din ni Bb. Cousin na gumagawa sila ng paraan upang huwag magkaroon ng biglaang pagtaas ng presyo at magkaroon ng kakulangan sa supply. Ang kanilang bigas na isinasabay sa mga pagkain para sa evacuees ay kinatatampukan din ng high-energy biscuits.

Hindi umano epektibo ang pagkakaroon ng soup kitchens kaya't mas mabuting ibigay na ng direkta sa mga biktima at sila na ang magluluto sa kanilang kinalalagyan. Hindi rin sang-ayon ang World Food Program sa pagkakaroon ng airdrops sapagkat malaki ang posibilidad na hindi magkakaroon ng pagkain ang mga bata, mga matatanda, may kapansanan at maysakit.

Nagpasalamat din si Bb. Cousin sa pamahalaan sapagkat nakikipagtulungan sa kanila ang mga nasa iba't ibang ahensya at handang tumugon sa kanilang mga mungkahi.

May pagkakataong magpapatupad sila ng "food-for-work" program para sa mga nasalanta. May pakikipag-ugnayan sila sa iba't ibang ahensya upang hindi madoble ang mga programang ipinatutupad.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>