|
||||||||
|
||
Hong Kong at Pilipinas, may joint statement sa hostage drama
NAGLABAS ng pahayag ang Hong Kong at Pilipinas sa pamamagitan ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ngayong araw na ito. Ayon sa pahayag, nagkita sina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Chief Executive CY Leung ng Hong Kong Special Administrative Region sa APEC Economic Leaders Summit sa Bali, Indonesia noong ika-7 ng Oktubre. Sa pagkikita at pag-uusap, napagkasunduan nilang kumilos upang magkaroon ng maayos na wakas ang hostage-taking incident.
Hinirang ng magkabilang-panig ang kanilang mga kinatawan, si Secretary Jose Almendras at Edward Yu, kinatawan ng Hong Kong Chief Executive upang tugunan ang apat na kahilingan ng mga biktima at ng kanilang mga pamilya. Nagsimula ang interaction ng magkabilang panig pagkatapos ng pagpupulong.
Pagkatapos ng pagdalaw noong ika-21 ng Oktubre, bumalik si Secretary Almendras sa Hong Kong ngayon upang isulong ang pakikipag-usap kina Director Yu at Secretary TK Lai. Nagkaroon ng malalimang talakayan. Binanggit ni Secretary Almendras sa HKSAR government sa progreso ng tugon sa mga kahilingan.
Nabatid ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang pangangailangan ni Ms. Yik Siu Ling na maoperahan. Pinag-utusan ni Pangulong Aquino si Secretary Almendras na ibigay sa KHSAR government ang karagdagang salapi para sa operasyon. Naganap ito sa pamamagitan ng mga donasyon ng mga mangangalakal na Pilipino bilang pagkilala sa pangangailangan ng mga biktima at ng kanilang mga pamilya na walang anumang bisa at konsiderasyon sa nagpapatuloy na ministerial level discussions upang matugunan ang apat na kahilingan.
Umaasa ang magkabilang panig na sa pagpupunyagi nila ay matatamo ang bunga ng layunin nina Pangulong Aquino at Chief Executive CY Leung. Nangako ang magkabilang panig na mag-uulat sa kanilang mga mamamayan sa oras na magkaroon ng kasunduan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |