|
||||||||
|
||
Akusasyon ng repacking, relabeling, walang basehan
MARIING itinanggi ni Kalihim Corazon Juliano Soliman ang akusasyon na mayroon silang illegal na repacking, relabeling the mga nakapaketeng relief goods mula sa ibang bansa.
Ito ang kanyang pahayag matapos lumabas sa social media na ang mga tauhan ng DSWD sa Satellite Repacking Center sa Mactan Airbase sa Cebu ang nagpapalit ng pakete ng mga nakapaketeng pagkain mula sa Indonesia at inilalagay sa mga bag ng DSWD.
Ipinaliwanag ni Kalihim Soliman na kailangang alisin ang mga nakaboteng pagkain o inumin sapagkat mahihirapan ang magdadala ng mga pagkain. Maiiwasan din ang contamination ng ibang laman ng bag sa oras na masira ito.
Inihihiwalay ang mga nasa bote at iba pang mababasagin ay inilalagay sa ibang container at minamarkahan ng "fragile." Responsibilidad ng DSWD na alamin ang nilalaman ng mga pagkaing nagmumula sa ibang bansa at ahensya.
Nararapat lamang na matiyak na ligtas ang mga pagkaing ito, dagdag pa ng kalihim. Inaalam din nila kung hindi pa lumalampas sa expiration dates ang mga ito.
Ang malalaking kargamentong pagkain ang kanilang inilalagay sa ibang lalagyan upang higit na madali ang pamamahagi. Inaalam din nila kung ang mga damit na ipinadadala ay magagamit pa.
Niliwanag din ni Kalihim Soliman na walang sinumang tinatanggihang maging volunteer sa repacking centers. Nagkataon lamang na mayroong shifting upang huwag magsama-sama sa iisang shift ang mga volunteer. May pagkakataon ding naghihintay ang mga volunteer ng relief goods upang magkaroon ng repacking.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |