|
||||||||
|
||
Mga kapulungan ng mga obispo, nakiisa sa mga Pilipino
BUKOD sa mga panalangin, nagpadala ang iba't ibang kapulungan ng mga obispo mula sa buong daigdig para sa mga nasalanta ni "Yolanda" noong nakalipas na linggo.
Iba't ibang mensahe ng pakikiisa ang ipinarating sa Catholic Bishops Conference of the Philippines at nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga nasalanta, namatayan at tiniyak ang panalangin upang maghilom ang malalim na sugat sa kalooban ng mga biktima.
Isa sa mga naunang nagpadala ng mensahe ay si Arsobispo Paul Bui Van Doc, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of Vietnam. Bukod sa mensahe ay nagpadala sila ng USD 50,000 na ipinadala sa Caritas Manila.
Samantala, si Archbishop Stephen Brislin ng South African Catholic Bishops Conference ay nagpadala rin ng mensahe ng pakikiisa sa mga Pilipino. Nanawagan din sia sa mga Katoliko sa Botswana, South Africa at Swaziland na magdasal para sa mga Pilipino at tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Nakiisa rin ang mga mula sa German Bishops Conference sa pamumuno ni Arsobispo Robert Zollitsch, at Canadian Conference of Catholic Bishops Arsobispo Paul-Andre Durocher.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |