Ipinahayag kahapon ni Raul Hernandez, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang pasasalamat ng kanyang bansa sa hospital ship na "Peace Ark" na ipinadala ng Tsina bilang paglahok sa gawaing panaklolo sa mga nasalantang lugar ni bagyong Yolanda.
Sa isang preskon, sinabi ni Hernandez na natanggap na ng mga biktima ni Yolanda ang tulong at ang mga may kinalamang timetable at detalye ay kasalukuyan nang kinkokoordina.
Napag-alamang, lumisan ng Cebu kaninang umaga ang grupong panaklolo ng Tsina papuntang Tacloban para makapagbigay ng tulong at dumating naman kahapon ng hapon na ng Manila ang ika-2 grupong panaklolo ng Tsina na pinamumunuan ni Zhao Baige, Pangalawang Director Heneral ng China Red Cross Society.