Idinaos kahapon ng Lupong Elektoral ng Thailand ang preskon para ilahad ang kalagayan hinggil sa halalan. Anito, pansamantalang hindi inilabas nang araw ring iyon ang resulta ng bilangan ng halalan.
Ipinahayag ni Supachai Somcharoen, Tagapangulo ng nasabing lupon, na binubuo ang resulta ng halalan ng tatlong bahagi: resulta ng bilangan kahapon, resulta ng Jan. 26 advance voting, at resulta ng boto ng mga Thai sa ibayong dagat. Aniya, dahil hindi lumahok ang ilang mamamayan sa Jan. 26 advance voting, ipinasiya ng Lupong Elektoral na muling idaraos ang pagboto sa ika-23 ng buwang ito. Aniya pa, isasagawa rin nito ang mga hakbanging panremedyo sa 28 constituencies na kulang sa kandidato.
Salin: Andrea