Ayon sa pahayag kahapon ng Lupong Elektoral ng Thailand, balak nilang magpadala ng paanyaya kay Yingluck Shinawatra, Caretaker Punong Ministro ng bansa para sa isang diyalogo upang talakayin ang hinggil sa 28 constituencies kung saan hindi pa naidaraos ang halalan para sa Mababang Kapulungan. Anang Lupong Elektoral imumungkahi nito sa Caretaker Government ang agarang pagtatakda ng petsa para sa pagdaraos ng botohan sa lalong madaling panahon.
Anang nasabing lupon, hindi dapat idaos ang halalan ng Mababang Kapulungan sa Marso, kasi posibleng magdulot ito ng kaguluhan sa halalan ng Mataas na Kapulungan na nakatakdang idaos sa ika-30 ng nasabing buwan.
Salin: Andrea