Narating kahapon ng Iran at International Atomic Energy Agency (IAEA) ang bagong kasunduan para sa ibayo pang kooperasyon. Ayon sa kanilang bagong pahayag, isasagawa ng Iran ang 7 aktuwal na hakbangin bago mag-ika-15 ng susunod na buwan. Pero, hindi nila isiniwalat ang mga detalye ng mga hakbangin.
Ayon sa ulat ng Reuters, isang diplomata sa Vienna ang nagsabi, na isa sa mga posibleng hakbangin ay may kinalaman sa pag-iimbestiga ng IAEA sa isang lokasyon sa Iran na posibleng gamitin para sa militar na layunin. Ang imbestigasyon sa lokasyong ito ay ipinagpaliban na nang ilang taon.
salin:wle