Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, kinondena kahapon ni Ban Ki-Moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang paglala ng karahasan sa Thailand.
Nananawagan si Ban sa iba't ibang panig na agarang itigil ang karahasan, dakpin ng pamahalaan ang mga may kagagawan, at parusahan sila ayon sa batas. Ayon pa kay Ban, dapat igalang ng iba't ibang panig ang karapatang pantao at pamamahala sa pamamagitan ng batas, para mabawasan ang bagong kaguluhan. Umaasa rin siyang maisasagawa ang diyalogong may katuturan, para malutas ang krisis at mapasulong ang reporma.
Salin: Andrea