Sa idinaraos na taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), itatakda ng Tsina ang mga hakbangin sa pagpapasulong ng kabuhayan at lipunan sa taong ito.
Kaugnay nito, ipinahayag ng pangalawang editor-in-chief ng Asia News Time na ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay nakakatulong sa paglaki ng pagluluwas ng mga bansang ASEAN. Dagdag pa niya, optimistiko rin ang mga bansang ASEAN sa kabuhayang Tsino sa taong 2014.
Sinabi pa niya na kasabay ng pamumuhunan ng dumaraming bahay-kalakal ng Tsina sa mga bansang ASEAN, magkakasunod ding pumapasok ang mga bahay-kalakal ng ASEAN sa Tsina para samantalahin ang pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina. Ito aniya ay nagpapahigpit ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.
Salin: Ernest