Binuksan kaninang umaga sa Great Hall of the People ang Ika-2 Sesyong Plenaryo ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Lubos na sinubaybayan ito ng mga mass media sa ibayong dagat.
Ayon sa Financial Times ng Britanya, magiging pokus ng sesyong ito kung papaanong magiging balanse ang paglaki at utang, reporma at katatagan, kabuhayan at kapaligiran, at pansamantalang kalungkutan at pangmatagalang kapakanan.
Ayon sa ulat ng Reuters, ang pinakamahalagang bagay para sa pamahalaang Tsino hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma, ay paggarantiya sa ligtas at matatag na takbo ng market economy. Ito rin ang pinakamalaking hamon na kinakaharap ng pamahalaang Tsino.
Tinukoy ng Wall Street Journal na itinakda ng Tsina ang paglaki ng GDP sa 7.5%. Nitong nakalipas na ilang sampung taon, inaasahan ng buong daigdig ang halos double-digit na paglaki ng GDP ng Tsina. Ngayon, ipinaabot ng pamahalaang Tsino ang isang signal: hindi ganito ang situwasyon sa hinaharap.
Salin: Andrea