|
||||||||
|
||
Pinagtibay kahapon ng Parliamento ng Ukraine ang panukala ni Aleksandr Turchinov, Nanunuparang Pangulo ng Ukraine, na pahintulutan ang paglahok ng mga tropang dayuhan sa pagsasanay na militar na idaraos sa Ukraine sa taong ito.
Ipinahayag kahapon ni Mykhailo Koval, Nanunuparang Ministro ng Tanggulang Bansa nito, na ang pagdaraos ng pagsasanay na militar ng Ukraine at ibang mga bansa ay paghahanda para lumahok sa pamayapang aksyon ng United Nations at mga makataong tulong. Aniya pa, ang nilalaman ng nasabing pagsasanay ay kinabibilangan ng pagtanggol sa pambansang katiwasayan.
Nang araw ring iyon, ipinatalastas ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na pansamantalang itinigil nito ang mga kooperasyon sa Rusya hinggil sa mga suliraning pansibilyan at militar. Pero pananatilihin nito ang pagkikipag-ugnayan sa Rusya sa pamamagitan ng Russia-NATO Council para lutasin ang krisis ng Ukraine.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Rusya na ang kinabukasan ng relasyon ng Rusya at Ukraine ay umaasa sa diplomatikong patakaran ng Ukraine sa hinaharap.
Samantala, pinagtibay ng Mataas na Kapulungan ng Rusya ang isang panukala na itigil ang apat na kasunduan na nilagdaan ng Rusya at Ukraine hinggil sa pagdedeploy ng Black Sea Fleet ng Rusya sa Crimea.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |