Kinumpirma kamakailan ng Boeing Company at General Electric Company (GE) ng Amerika na mayroon silang permiso mula sa Kagawaran ng Tesorarya para magluwas ng mga piyesa ng komersyal na eroplano sa Iran.
Ayon sa tagapagsalita ng Boeing, ang mga piyesang iniluluwas nila ay pamalit sa mga lumang piyesa ng mga eroplano na iniluwas nila sa Iran bago ang Islamic Revolution noong 1979. Binigyang-diin ng Boeing na hindi ito nagluluwas ng mga bagong eroplano sa Iran. Pero anila, makakatulong ang kanilang pagluluwas ng mga pamalit na piyesa upang patuloy at ligtas na tumakbo ang mga eroplano sa bansang ito.
Ipinahayag naman ng GE na nagkakaloob ito ng serbisyo ng pagpapalit at pagkumpuni sa mga makina ng 18 uri ng eroplano na iniluwas sa Iran noong 1970s.
Ayon sa pansamantalang kasunduan na narating ng Iran, Amerika, Rusya, Pransya, Alemanya, Britanya, at Tsina noong IKa-24 ng Nobyembre ng taong 2013, itinigil ng Iran ang bahagi ng planong nuklear nito para makatanggap ng pagluwag ng sangsyon mula sa komunidad ng daigdig.