Ipinahayag kahapon ni Ayatollah Sayyed Ali Khamenei, Supreme Leader at Puno ng Estados ng Iran na dapat ipagpatuloy ng kanyang bansa ang pakikipagtalastasang nuklear, pero, hindi dapat itakwil ang natamong bungang nuklear.
Ayon sa ulat ng Islamic Repubic News Agency (IRNA), kinatagpo ni Khamenei sa Tehran ang mga mananaliksik sa larangang nuklear at sinabi niyang hindi dapat itakwil ang planong nuklear pero kasabay nito, dapat ding lutasin ang mga hidwaan hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Aniya, kasabay ng talastasan ng Iran at 6 na bansang may kinalaman sa isyung nuklear ng Iran, hindi pa rin pababagalin ng Iran ang pananaliksik at paggagalugad sa teknolohiyang nuklear.
salin:wle