|
||||||||
|
||
Dumating kahapon sa Luanda si Premyer Li Keqiang ng Tsina para pasimulan ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Angola.
Ipinahayag ni Premyer Li na bilang umuusbong na ekonomiya ng Aprika, ang Angola ay mahalagang katuwang na pangkooperasyon ng Tsina sa gawing timog-kanluran ng Aprika. Ani Li, hinihintay niya ang pakikipag-usap sa mga lider ng Angola hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan para pasulungin at palawakin ang umiiral na pagtutulungan ng dalawang bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |