Kahapon, sa kanyang keynote speech sa 24th World Economic Forum on Africa sa Abuja, Kabisera ng Nigeria, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na bilang priyoridad ng inklusibong pag-unlad ng Aprika, dapat pasulungin ang konstruksyon ng imprastruktura nito. Nakahanda aniya ang Tsina na makisangkot sa pagtatatag ng high-speed railway network, expressway network, at aviation system ng Aprika para pasulungin ang connectivity ng African Continent.
Ani Li, walang anumang paunang kondisyon ang pakikipagtulungan ng Tsina sa Aprika, hindi nitong pakikialaman ang mga siluraning panloob ng mga bansang Aprikano, at patataasin, hangga't maaari, ang kalidad ng pakikipagtulungan nito sa Aprika.
Ipinahayag naman sa pulong nina Klaus Schwab, Tagapangulo ng World Economic Forum at Goodluck Jonathan, Pangulo ng Nigeria,na positibo sila sa patakarang isinasagawa ng Tsina sa Aprika at kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Aprika. Anila, nakahanda ang WEF at Aprika na pahigpitin ang pakikipagtulungan sa Tsina, para magkasamang mapasulong ang inklusibo at sustenableng pag-unlad ng Aprika at buong daigdig.