Bilang tugon sa mga karahasan sa Biyetnam na nakatuon sa mga bahay-kalakal na Tsino, ipinahayag ngayong araw ni Zhang Ji, Puno ng Departamento ng Kalakalang Panlabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na hinihiling ng Tsina sa Biyetnam na isagawa ang mga aktuwal na aksyon at itigil ang anumang karahasan at igarantiya ang kaligtasan ng mga Tsino at mga bahay-kalakal na Tisno.
Ipinahayag ito ni Zhang sa isang news briefing ng Konseho ng Estado ng Tsina. Aniya, naganap kamakailan ang insidente ng grabeng karahasan sa Biyetnam na nakatuon sa mga bahay-kalakal na Tsino at ito ay nagdulot ng kasuwalti ng mga sibilang Tsino at kapinsalaang pangkabuhayan.
salin:wle