Ipinatalastas ngayong araw ni Charupong Ruangsuwan, dating Lider ng Pheu Thai Party ng Thailand, na opisyal niyang itatatag sa labas ng bansa ang organisasyon na laban sa kudeta, at ito ay tatawaging "Organization of Free Thais for Human Rights and Democracy." Ito aniya ay para akitin ang lahat ng mga tao laban sa kudeta at maipagkaloob ang tulong sa mga demonstrador na laban sa kudeta mula sa loob at labas ng bansa.
Sinabi ni Charupong Ruangsuwan na dahil ang pagtake-over ng tropa sa bansa ay labag sa batas, nasira ang simulaing demokratiko, at karapatan at kalayaan ng mga mamamayan. Kaya, ipinasiya niyang itatag ang nasabing organisasyon para boykolin ang sistemang pulitikal ng militar.
Salin: Andrea