Ayon sa pinakahuling proklamasyong ipinalabas kahapon ng World Health Organization (WHO) hinggil sa kalagayan ng epidemiya ng Ebola, nadiskubre ang ilang kaso ng Ebola sa probinsyang Equateur ng Democratic Republic of Congo. Tumaas sa 6 ang bilang ng mga kumpirmadong Ebola virus carriers. Sinabi rin ng WHO na ang pagkalat ng epidemiyang ito sa naturang bansa ay itinuturing na walang kaugnayan sa kasalukuyang epidemiya ng Ebola sa Kanlurang Aprika.
Ayon pa sa pahayag na ipinalabas kamakalawa ng gabi ng WHO, sinabi nito na pansamantalang pauuwiin ang lahat ng tauhan nito mula sa Kailahun ng Sierra Leone.
Salin: Li Feng