Kasabay ng pagpapalalim ng relasyong Sino-ASEAN, pinasusulong ang integrasyon ng Tsina at ASEAN sa edukasyon. Nagiging mahalagang nilalaman ng nasabing integrasyon ang pagkilala sa educational background ng dalawang panig.
Sa Ika-6 na China - ASEAN Education Exchange Week, sinabi kamakailan ni Wang Lisheng, Pangalawang Direktor ng China Academic Degrees & Graduate Education Development Center, na ang ibayo pang pagkilala sa educational background ay masusing isyu sa kasalukuyan. Iminungkahi niyang itatag ng Tsina at ASEAN ang kani-kanilang balangkas ng educational background para mapabuti ang gawain ng pagkilala sa isa't isa.
Salin: Andrea