Ipinatalastas kahapon ng umaga ng isang opisyal ng departamento ng kalusugan ng Dallas Texas, ayon sa inisiyal na pagsusuri, isang nurse mula sa nasabing lugar ang nahawahan ng Ebola virus. Ang nurse na ito ay ang siyang nag-alaga sa isang namatay dahil sa Ebola virus. Sa kasalukuyan, ang blood sample ng nurse ay ipinadala na sa punong himpilan ng U.S.Centers for Disease Control and Prevention sa Atlanta.
Ipinahayag naman ng may kinalamang departamento na batid nila ang posibilidad ng pagkakaroon ng ika-2 kaso ng Ebola at gumagawa sila ng paghahanda para rito. Sa kasalukuyan, pinalalakas na ang mga gawain para pigilin ang pagkalat ng Ebola virus sa Dallas.
Noong ika-8 ng buwang ito, namatay ang unang kaso ng Ebola virus sa Dallas.
salin:wle