Ipinagkaloob kahapon ng pamahalaang Tsino ang dalawang milyong Dolyares na cash sa World Health Organization (WHO), bilang tulong sa paglaban ng organisasyong ito sa epidemiya ng Ebola sa Guinea, Sierra Leone, at Liberia.
Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Ian Smith, Executive Director ng Tanggapan ng Direktor Heneral ng WHO, na ang naturang tulong ng pamahalaang Tsino ay lubos na magpapalakas ng kakayahan ng WHO sa pagbibigay-tulong sa mga bansang apektado ng Ebola. Sinabi rin niyang kung titingnan ang kung gaano kalala ang kasalukuyang epidemiya ng Ebola sa mga bansa sa kanlurang Aprika, hindi sapat ang pagtugon ng komunidad ng daigdig, at ang mga ginawa ng Tsina ay dapat maging huwaran ng ibang bansa.
Salin: Liu Kai