Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Aprika, magkakapit-bisig na harapin ang epidemiya ng Ebola

(GMT+08:00) 2014-11-06 11:43:50       CRI

Sa Beijing—Nakipagtagpo dito kahapon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang counterpart mula sa Cote d'Ivoire na si Charles Koffi Diby.

Sa ngalan ng kanyang pamahalaan, taos-pusong pinasalamatan ni Koby ang tulong na pondo at materiyal ng pamahalaang Tsino sa mga bansa ng Kanlurang Aprika sa pagpigil at paggagamot ng epidemiya ng Ebola. Aniya, ang mga tulong na ito ay nagpalakas ng kakayahan ng iba't ibang bansa sa pagpigil sa epidemiya, at nagpasigla ng kompiyansa ng mga mamamayang Aprikano sa paglaban sa epidemiya. Hanggang ngayon, walang naganap na epidemiya sa Cote d'Ivoire, ang matapat, mabilis at mabisang pagtulong ng Tsina ang isang mahalagang dahilan.

Ipinahayag naman ni Wang na ang Tsina at Aprika ay mabuting kapatid. Habang nasasalanta ang mga bansang Aprikano ng epidemiya ng Ebola, dapat puspusang tulungan sila ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino. Bilang isang umuunlad na bansa, nagsigap ang Tsina, sa abot ng makakaya, para rito.

Sapul nang sumiklab ang epidemiya ng Ebola noong Marso ng kasalukuyang taon, nagkaloob na ang Tsina ng 4 na round ng saklolo sa mga apektadong bansa. Sa kasalukuyan, mahigit 200 dalubhasa at tauhang medikal ang ipinadala sa mga apektadong bansa, at ipinasiya ng panig Tsino na ipadala ang mas maraming dalubhasa at tauhang medikal. Bukod sa tatlong apektadong bansa, napapanahong ipagkaloob ng Tsina ang tulong na pondo't materiyal sa pagpigil sa epidemiya sa 10 bansa na malapit sa mga apektadong rehiyon na kinabibilangan ng Cote d'Ivoire. Samantala, nagbigay din ito ng pondo at pagkatig na politikal sa mga organisasyong pandaigdig at panrehiyon na gaya ng United Nations, World Health Organization, at African Union, para pigilin ang pagkalat ng epidemiya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>