Ipinahayag ngayong araw ng panig pulisya ng Hong Kong na mula kagabi hanggang kaninang madaling araw, lumikha ang mga demonstrator ng kaguluhan at paghadlang sa maraming lansangan sa rehiyon ng Mongkok. Kinondena ng panig pulisya ang ganitong aksyon na nagbulag-bulagan sa seguridad ng ibang tao, at malubhang nakasira sa kaayusang pampubliko. Inulit ng panig pulisya na buong tindi nitong ipapatupad ang batas para mapangalagaan ang kaayusan at seguridad na pampubliko.
Inulit din ng panig pulisya ang paggalang sa kalayaan ng mga mamamayan sa pagpapahayag ng kani-kanilang kuru-kuro, pagsasalita, at pagtitipun-tipon. Anito, habang ipinapahayag ang kahilingan, dapat sundin ng mga personaheng pampubliko ang batas at kaayusang panlipunan ng Hong Kong, at huwag isagawa ang pagtitipun-tipon at demonstrasyon sa pabagu-bagong lugar.
Salin: Vera