Pinakinggan kahapon ng hapon sa Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang paliwanag sa panukala hinggil sa pagsusog sa Batas sa Lehislasyon. Ito ang kauna-unahang pagsususog sa Batas sa Lehislasyon, nitong nakalipas na 15 taon, sapul nang gawin ang batas na ito. Ipinalalagay ni Li Dajin, Deputado ng NPC at isang abogado, na ang bagong Batas sa Lehislasyon ay magbubunsod ng isang "positibong pagsasaayos" sa kapaligiran ng sistemang pambatas ng Tsina.
Salin: Vera