Ipinatalastas kahapon ng Ministri ng Pinansiya ng Tsina, na pormal nang iniharap ng Britanya ang aplikasyon para maging founding member ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Sa kasalukuyan, mayroong 24 founding member ang AIIB na kinabibilangan ng Tsina, Pilipinas, Bangladesh, Brunei, Cambodia, India, Indonesia, Kazakhstan, Kuwait, Laos, New Zealand, Maldives, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Nepal, Oman, Pakistan, Qatar, Singapore, Sri Lanka, Thailand, Uzbekistan at Biyetnam.
Ipinahayag ng Ministri ng Pinansiya ng Tsina na ang naturang aplikasyon ay nasa panahon ng paglikom ng palagay at suhestiyon ng lahat ng mga founding member at isasagawa nila ang kapasiyahan bago ang katapusan ng buwang ito.
Ang AIIB ay nagtatampok sa pagpapasulong ng konstruksyon ng imprastruktura ng mga bansang Asyano. At ang punong himpilan nito ay nasa Beijing. Ang deadline ng pag-aplikasyon para maging founding member ng AIIB ay ang ika-31 ng buwang ito.