Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, dadalo sa BFA

(GMT+08:00) 2015-03-18 17:30:22       CRI

Nakatakdang idaos ang 2015 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa lalawaigang Hainan, Tsina sa ika-26 hanggang ika-29 ng buwang ito. Dadalo sa porum si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang mga lider ng iba't ibang bansa sa seremonya ng nasabing pulong. Tinatayang ang bilang ng mga kalahok na lider ay magiging rekord sa kasaysayan.

Ang tema ng nasabing pulong ay "Bagong Hinaharap ng Asya: Pagtahak sa Community of Destiny." Kaugnay nito, idaraos ang 77 pormal na talakayan tungkol sa makro-ekonomiya, pagtutulungang panrehiyon, pagbabago ng industriya, inobasyong panteknolohiya, kaligtasang pulitikal, lipunan at pamumuhay ng mga mamamayan.

Lalampas sa 80 ang bilang ng mga kalahok na ministeryal na opisyal mula sa iba't ibang bansa. Dadalo rin sa pulong ang chairman of the board at Chief Executive Officer (CEO) ng 65 kompanyang kabilang sa Fortune 500 at namamahalang tauhan sa Asiya-Pasipiko at Tsina ng 132 kompanyang kabilang pa rin sa Fortune 500.

Ang patakarang pinansyal ay pangunahing tema ng pulong. Dadalo sa sub-forum si Zhou Xiaochuan, Puno ng People's Bank of China, at mga tauhan sa sirkulo ng pinansya ng iba't ibang bansa para ipagkaloob ang awtorisadong analisasyon hinggil sa prospek ng kabuhayang pandaigdig at direksyon ng pagbabago ng patakarang pananalapi. Dadalo naman si Lou Jiwei, Ministro ng Pananalapi ng Tsina, sa isa pang sub-forum, kasama ng mga namamahalang tauhan ng International Monetary Found (IMF), World Bank, Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), at iba pang organisasyong pandaigdig at mga ministeryal na opisyal ng ilang bansa, para talakayin ang hinggil sa kung papaano gaganap ang G20 ng mas mabuting papel sa pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig.

Ang pagtakbo ng negosyo at inobasyon ay highlight ng pulong. Makikipag-usap si Bill Gates, tagapagtatag ng Microsoft, sa mga bahay-kalakal hinggil sa sustenableng pag-unlad ng teknolohiya, inobasyon, at sangkatauhan.

Tatalakayin naman sa pulong ang hinggil sa mga isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan at kaligtasang pulitikal, gaya ng kaligtasan ng pagkain, paglaban sa korupsyon at relasyon ng pulitika at komersyo, relasyon ng virus at sangkatauhan, smog at kalusugan, at iba pa.

Salin: Andrea

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>