Sinabi kahapon ni Syan Lot Gan, miyembro ng Pambansang Komisyon ng Koordinasyon ng Tigil-putukan ng Myanmar, na sumang-ayon na ang Pamahalaan ng Myanmar na idaos ang espesyal na talakayan hinggil sa isyu ng Kokang, pagkatapos ng Ika-7 Talastasan hinggil sa Kasunduan ng Tigil-putukan ng bansa.
Ani Syan Lot Gan, ipinalalagay ng naturang komisyon na dapat lutasin ang isyung pulitikal sa paraang pulitikal. Nanawagan siya sa komisyong ito, sa rehiyon ng Kokang na agarang isakatuparan ang tigil-putukan. Sa kasalukuyan, kapwa tinatalakay ng magkabilang panig ang hinggil sa burador ng pambansang kasunduan ng tigil-putukan.
Salin: Li Feng