Sa Kuala Lumpur, Malaysia — Ipininid kamakalawa ang Unang Pulong ng mga Ministro ng Pinansya at Puno ng Bangko Sentral ng ASEAN. Ipinahayag ni Datuk Ahmad Husni Mohamad Hanadzlah, Ikalawang Ministrong Pinansyal ng Malaysia, na kasalukuyang puspusang nagsisikap ang ASEAN para makapagbigay-tulong sa pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na itinaguyod ng Tsina.
Ipinatalastas kamakailan ng maraming bansang Europeo na gaya ng Britanya, ang pag-aaplay at pagsapi sa AIIB. Kaugnay nito, ipinahayag ni Lou Jiwei, Ministro ng Pinansya ng Tsina, na ang AIIB ay isang bukas na multilateral na organo ng pagdedebelop. Winiwelkam aniya ng AIIB ang pagsapi ng lahat ng mga bansa.
Salin: Li Feng