Ipinalabas ngayong araw ng Tsina ang Vision and Actions on Jointly Building the Silk Road Economic Belt and 21st-Century Maritime Silk Road. Ito ay isang dokumentong sumasaklaw sa mga prinsipyo, balangkas, priyoridad sa kooperasyon, at mekanismo hinggil sa "One Belt One Road" Initiative na iniharap ng Tsina.
Ayon sa dokumento, sasaklaw ang "One Belt One Road" sa mga kontinente ng Asya, Europa, at Aprika, at karagatan sa pagitan ng mga kontinenteng ito.
Ang mga priyoridad sa kooperasyon ay kinabibilangan ng koordinasyon sa mga patakaran, connectivity sa mga imprastruktura, pasilitasyon sa kalakalan, malayang daloy ng pondo, at pagpapalagayan ng mga mamamayan.
Binigyang-diin ng panig Tsino, na bukas, inklusibo, at madaling umayon ang proseso ng pagtatatag ng "One Belt One Road." Nakahanda ang Tsina, kasama ng mga kalahok na bansa, na walang humpay na payamanin at pabutihin ang nilalaman at paraan ng kooperasyon ng "One Belt One Road," at magkakasamang itakda ang time table, roadmap, at action plan hinggil sa proyektong ito.
Salin: Liu Kai