Ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na bilang matalik na kaibigan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), patuloy na kakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng ASEAN Community. Aniya pa, susuportahan din ng Tsina ang pagganap ng pangunahing papel ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon sa Silangang Asya.
Dumalo kahapon si Wang sa isang sub-porum ng Bo'ao Asia Forum na idinaos sa lalawigang Hainan ng Tsina. Sinabi niya na sa katapusan ng taong ito, itatatag ng ASEAN ang mga komunidad sa kabuhayan, kultura at pulitika. Dagdag pa niya, ang mga ito ay makakabuti sa integrasyon ng kabuhayang Asyano at pagiging mas makatarungan at makatwiran ng kaayusang pandaigdig.