Magkahiwalay na ipinatalastas kahapon ng Rusya, Australia, at Denmark, ang paghaharap ng aplikasyon para sumapi sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Ipinatalastas ni Igor Ivanovich Shuvalov, Pangalawang Punong Ministro ng Rusya, ang kapasiyahang ito sa Bo'ao Asia Forum na idinaos sa Lalawigang Hainan ng Tsina. Sinabi pa niya na nakahanda ang kanyang bansa na lumahok sa konstruksyon ng "Silk Road Economic Belt."
Ipinatalastas din sa Bo'ao Asia Forum ni Mathias Coleman, Ministrong Pinansyal ng Australia, ang katulad na kapasyahan ng kanyang bansa.
Ipinahayag naman ng pamahalaan ng Denmark na ang kanilang kapasyahan ng pagsapi sa AIIB ay dahil sa pagpapasulong nito ng pag-unlad ng Asya at pagdudulot ng mga pagkakataon para sa Denmark.
Nang araw ring iyon, pinagtibay ng mga kasalukuyang founding member ng AIIB ang pagtanggap sa Britanya at Switzerland bilang founding member ng AIIB. Ang kabuuang bilang ng mga founding member ng AIIB ay umabot na sa 30.